by CARLOS M. CASTRO
Mga Kabalen, ipagpaumanhin po ninyo ang sasabihin ko. Kahit po ano paang gawin natin hindi na natin mapipigil ang corruption sa ating bansa. Hindi sa nawawalan na ako ng pag-asa at tiwala sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan. Dapat po nating harapin ang katotohanan at tanggapin ang ugat ng katiwalian sa ating bansa upangito ay ating malunasan.Sa aking palagay ang ugat ng katiwalian ay ang ating halalan naginaganap tuwing ikatlong taon. Tingnan po natin ang mga bagay na ito:
1. Masyadong madalas ang ating eleksyon. Sa isang bagong halal na opisyal, lalo na isang walang karanasan –tulad ni Among Ed - angunang taon niya ay puro pag-aaral at re-organization lamang ang nagagawa niya. Dahil sa re-organization maraming mga intriga atproblema siyang haharapin sa pagpili ng mga taong makakasama niya. Angmga dating empleyado ang nagkakaroon ng sense of insecurity. Anglalong mabigat ay ang kanyang pakikitungo sa mga ibang halal naopisyal na kalaban niya sa pulitika. Ang mga tumulong sa kanya sa eleksyon ay problema din sapagka't lahat ay may vested interest atgusto ring magkaroon ng puwesto o mapagkakitaan. Pag-aaralan din niyaang mga programa ng dating nanungkulan – kung ito ba ay ititigil niya,ipagpapatuloy o babaguhin. Ang magandang halimbawa ay ang nangyayari sa ating Kapitolyo – kay Among Ed. Marami sa kanyang mga kritiko ang nagsasabi na wala siyang nagawa sa loob ng isang taon. Kung totoo manito, dahil na rin sa mga problemang kanyang hinarap.
2. Sa pangalawang taon, doon pa lamang siya magsisimulang mag-implement ng kanyang mga programa o plano. Doon pa lamang niya malalaman ang mga pasikut-sikut sa pakikitungo sa ating national government at paghingi ng mga proyekto sa mga Department Heads,Congressmen at Senators at pagkakaroon ng "connection" sa mga matataas na opisyal ng ating national government. Doon pa lamang niya matututunan ang maraming batas sa administration, finance, at mga technical na gawain. Marami sa mga pumapasok sa pulitika ang walangkaalam-alam sa Local Government Code. Kaya sila ay nangangapa sa umpisa.
3. Sa pangatlong taon, bubulabugin na siya ng kanyang mga liders. Eleksiyon na! Magsisimula na siyang guluhin ng kanyang mga kalaban sa pulitika at magsisimula na niyang ituon ang kanyang hangarin na mare-elect siya. Hindi kasya ang 45 days sa pangagampanya, kaya isang taon bago mag-eleksyon ay nagsisimula na siyang mangampanyang muli.Diyan din magsisimula ang mga paninira sa kanya ng mga may nais napumalit sa kanya. (Tingnan niyo ang mga kalaban ni Among Ed. Di sila makapaghintay. Gusto na nilang magkaroon ng eleksyon ulit! Di pa mannangangalahati ang tatlong taon. Ang tindi talaga. Sobra ang pulitika sa atin sapagkat napakaiksi nang pagitan ng mga eleksyon. Wala ka pang nagagawa halalan na naman.)
4. Sa madaling salita, isang taon lang ang masasabi nating nagagamit sa epektibong pamamahala. Anong maasahan mong magagawa ng isang baguhang opisyal sa loob ng isang taon lamang? Kaya mabagal ang pag-unlad sa ating bayan. Hindi ba puwedeng dagdagan nang kahit isang taon man lang para maging apat na taon ulit?
5. Ngayon, ito ang matindi. Ang isang baguhang kandidato, upang makasiguro ng panalo, kailangang malayo pa ang eleksyon ay "magtanim"na siya. Ibig sabihin "gumasta" na siya para mapalapit siya at makilala ng mga tao. Lahat ng piesta pupuntahan niya, magpapainom siya, magbibigay ng contribution, papremyo, banda ng musiko, etc. Malaki ang nagagasta nang isang baguhang kandidato at ito'y galing lahat sa sariling bulsa. Sa isang maliit na bayan, sa tingin ko,pinakamaliit na ang limang milyong piso ang gagastusin nang isangbaguhang kandidatong mayor para siya makasiguro nang panalo. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit ang mga may pera lamang ang nananalo saeleksyon. Iyong mga walang pera kahit na qualified, dead ball, walang chance. (Milagro ang nangyari kay Among Ed. Exception to the rule, ika nga. Nanalo nga siya, pero tingnan naman natin ang nangyayari sakanya ngayon. Naniningil na ang mga tumulong sa kanya na hindi niyanagantihan o natulungan. Akala ko pa naman ay natuto na tayo. Hindi papala. Nakakalungkot. )
6. Limang Milyong Piso! Wow! Bakit siya gagastos ng ganoong kalaki?Simple lang. Sa pamimili ng boto, sa mga propaganda materials, sa mga watchers, mga pakain, mga meetings at miting de avance, mga lidersna laging humihingi ng pangastos, sa transportasyon at gasolina, mga nagsasamantala tuwing eleksiyon, iyong mga hindi boboto sa iyo kung hindi mo sila babayaran, marami pang iba. Wew! Grabe! Magkano baang allowed ng Comelec na dapat gastusin ng isang kandidato bawat botante? P10.00 lang yata. Nasusunod ba iyon? Pag sinunod mo iyon ng buong katapatan, mananalo ka ba? Imposible. Di ba? Ay naku! Waepek ang batas na ito.
7. Heto pa. Magkano lang ba ang suweldo ng isang Mayor? Malaki na angP30,000.00 sa isang buwan. Sa loob ng isang taon, P360,000.00 lamangat sa loob ng tatlong taon, P1,080,000.00 lamang. Lugi pa siya nangP3,920,000.00! Paano niya mababawi ito? Paano?
8. Hindi lang iyon ang nagagastos niya. Kapag naka-upo na siya, halos linggo-linggo nag-aanak silang mag-asawa sa kasal. Bilang mayor, dapat may sasakyan siya, may bodyguard, laging nagbibiyahe sa Maynila sapag-follow-up ng mga projects. Marami siyang bisita lagi sa bahay, mgaliders, at mga tiga-gubierno. Siyempre bilang mayor tataas ng kontiang lifestyle. Di ba? Ano, poor? Tuwing darating siya sa municipyonakapila na ang humihingi ng pambili ng bigas, gamot, pati pambayad ng koriyente sa bahay, hindi mailabas ang maysakit sa hospital, at marami pang iba. May nagsasabi na mas magastos pa raw kapag naka-upo ka nakaysa sa panahon ng eleksyon. Aray ko po! Kung ganoon, kaawa-awangmayor, saan niya kukunin lahat ito? Abunado pa siya sa suweldo niya.
9. Saan nga ba? Hindi ko alam kung totoo ito. Narinig ko lang napinag-uusapan ng iba. Sa jueting daw, illegal gambling, sa mgaporsiyento sa mga projects galing sa mga contractors, mga "lagay" parasa approval ng mga permits, mga "goose projects", over-pricing ng mgapurchases, binubulsa ang mga collections sa palengke (sa quarry?), mgapaabot na galing kung saan-saan, at marami pang iba. Ayon! Maramipalang pinagkukunan. Kaya pala may nagsasabi na malaking negosyo anggubiyerno.
10. Hindi ba bawal iyon? Hindi ba ang mga iyon ay corruption? "Oo. Pero, anong magagawa ko? Kung hindi ko gagawin iyon, saan ako kukuhang perang gagastusin ko? Paano ko mababawi ang mga ginastos sanakaraang eleksiyon at saan ko kukunin ang gagastusin sa darating naeleksiyon? Ano ako, baliw? Alangan namang sa sariling bulsa ko lagimangagaling ang mga ginagasta ko. Naglilingkod na nga ako, gusto paninyo mag-abono ako? Aba, hindi ba kalokohan iyon? Mangungurakot manako, sinusuka ko rin naman ito tuwing eleksiyon, di ba? Puwera sanangyaring milagro kay Among Ed, mananalo ba ako kung hindi akomamimili ng boto?" Iyan po ang katuwiran ng maraming trapongpulitiko. Tama o mali? Isa pa: "Padre, wala pa akong nakikitang natutupad mo sa mga pangako mo sa eleksyon ah." Sagot ng pulitiko ay ito: "Pangako? Huwang mong intintidihin iyon. Mag-ipon muna ako ng pera, total binibili lang naman ang mga iyan. Kahit na anongkabutihan ang gawin mo, kung wala kang pera sa eleksyon ibabasura kalang ng mga iyan." Ah? Ganoon ba? Aray ko po!!! Kawawang bayan ko,kailan ka kaya uunlad? 11. Ngayon, ang tanong: Saan ang ugat ng mga katiwalian?
(a) Isipinna lang, isa kang mayor – nasa iyo lahat ang problema nang buongbayan, at hindi ka mahahalal kung di gagasta ng malaking pera(mamumuhunan ka muna), pagkatapos ang suweldo mo kada buwan P30,000.00lang. Daig ka pa ng isang ordinaryong manager sa isang pribadongkumpanya. Anong ibig ipahiwatig nito? Mangurakot ka para mapagkasyamo ang suweldo mo. Di ba?
(b) Bakit gumagastos ng malaki ang mgakandidato? Tayong mga botante mismo ang nagbubungsod sa kanila. Paanopag nabalitaan nating kakandidato ang isang tao, malayo pa ang halalanpanay na ang hingi natin sa kanya ng pera, mga kontribusyon sa piesta,sayawan, mga palaro – uniform, T-shirts, bola, pagpapagawa ngartesian wells, scholarships, painom dito painom doon, at kung anu-anopa. Pagdating ng araw ng eleksyon, hihingi pa tayo ng pamasahe paramaka-uwi. Yari ka, pag di ka nagbigay!
(c) Pagkatapos ng eleksyon,manalo ka man o matalo, baon ka na sa utang sa pera at sa utang naloob sa mga tumulong saiyo. Problema: paano mo ngayon mababayaran angmga utang mo? Nandiyan na ang mga naniningil na printers, soundsystem, sasakyan na inarkila, mga "beer" at kape na inutang satindahan nang hindi mo alam, etc, etc. Ayyyy, naku!
12. Ano ang dapat gawin ng isang magiting na opisyal na nangako ng good governance tulad ni Among Ed? Kapag sumunod ka sa batas, lalo nasa mga COA regulations, matagal bago ka makapagsimula at marami angmagagalit sa iyo. Sasabihin nila masyado kang mahigpit. If you don'twant to compromise your principles and conviction at gusto mongsumunod sa batas, hindi ka raw "cut out" para maging opisyal nanggobyerno. Dapat daw sa simbahan ka na lang maglingkod.
13. Kaya, kaibigan, kung ayaw mong madungisan, mag-isip-isip ka bagoka tumalon sa maputik na balon ng pulitika. Kapag nagmalinis ka,mamumulubi ka. Kapag nangurakut ka naman, nandiyan na sa likod mo angmga tinalo mo, laging nakabantay saiyo para isumbong ka sa COA,Ombudsman at Sandiganbayan. Baka sa kalaboso ka pa pupulutin. Sabinang batas, bawal ang magpayaman sa paglilingkod sa gubiyerno. Kayapag-upo mo palang, mag-file ka muna ng Statement of Assets andLiabilities mo. Taon-taon tinitingnan nila ito. Kapag lumalaki angnetworth mo nang sobra sa puwede mong bilhin sa suweldo mo – nandiyanna ang "lifestyle check" - you are enriching yourself at the expenseof the government. Sabi ng kaibigan ko: "Ay naku, wala iyan. Huwag kalang pahuli. Kapag nahuli ka, maglagay ka lang ok na." Panginoon,maawa po kayo sa amin.
14. Ang nakapagtataka ay ito: Bakit sa kabila nang lahat ng ito,nagpapakamatay at handang pumatay ang ibang mga pulitiko manatililamang sila sa puwesto? Kapag nakatikim ng kapangyarihan, ayaw nangumalis. Kapag natapos na ang third term, susunod ang asawa, tapos anganak, tapos siya na naman. Bakit kaya? ....... Ano? "May malakingpera sa gubyerno!" Ano? MAY PERA SA PANGUNGURAKOT! !! Tse! Bahala ka.
15. "Our Father in heaven, hallowed be your name, YOUR KINGDOM COME,YOUR WILL BE DONE ON EARTH AS IT IS IN HEAVEN…." Lord, when will good governance triumph in our government? Iyon pong sinugo ninyo salalawigan namin to exemplify good governance, they want to crucifyhim! Amen.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment