Republic of the Philippines
Province of Pampanga
Office of the Governor
PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
Capitol Compound, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 961-0917 Email: pio@pampangacapitol.com
01 September 2008
PRESS RELEASE
Quarry operation, maaaring ipatigil
Siyudad ng San Fernando, Pampanga – Mapipilitan ang Panlilio administration na ipatigil pansamantala ang quarry operation dahil sa kawalan ng pondo. Ito ang ipinahayag ni Atty. Vivian Dabu, Provincial Administrator, sa kalipunan ng quarry operators noong Biernes, ika-29 ng Agosto 2008 sa Executive House Conference Hall, Capitol Compound, ng lungsod na ito.
Ipinaliwanag ni Atty. Dabu na kahit kalahati ng Php300.00 na binabayaran ng mga quarry operators ay para sa administrative expenses, kung hindi aaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) kung paano ito gagastusin ay hindi pa rin maaaring gamitin ang pondong ito. At ito ang nangyari para sa taong ito na kung saan ay kalahati lamang ng hinihinging pampasahod sa mga provincial checkers ang inaprubahan ng SP at wala kahit magkano para sa gastos sa monitoring ng quarry operation.
Magkahalong galit at panlulumo ang naging sagot ng mga quarry operators. Ang ilan ay umaasang magkakaroon ng kaayusan ang bagay na ito sapagkat marami ang maaapektuhan ng pansamantalang pagpapatigil ng quarry operation.
Nagpahayag ng pangamba ang pangulo ng small scale quarry operators, si G. Michael Tapang, sa maaaring paglipat ng kanilang mga customers sa ibang lugar lalo na sa Tarlac na kung saan ay mura lamang ang ibinabayad na extraction fee. Dahil dito ay nagkasundo ang mga quarry operators na dudulog sila sa SP at hihingi ng madaliang pagsasa-ayos ng pondong kailangan upang hindi mahinto kahit pansamantala lamang ang quarry operation.
Liban dito, ipinahayag rin ni Atty. Dabu ang mahigpitang pagpapatupad ng anti-overloading law, paglalagay ng takip na lona (tarpaulin) sa kargadang buhangin o graba, at pagbabawal ng pagkakarga ng basura.

No comments:
Post a Comment