Monday, February 16, 2009

Pahayag sa media ni Pampanga Gov. Eddie Panlilio
February 16, 2009

Magandang umaga po sa ating lahat. Una ay nais kong magpasalamat sa inyong pagdalo sa press conference na ito.

Nagpapasalamat din ako dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataon na isiwalat ang isang nakakabahalang sitwasyon ngayon sa Pampanga.

Ang problemang ito ay lampas pa sa Pampanga dahil ito ay may kinalaman sa Philippine National Police -- ang mismong institusyon na inatasan ng ating mga batas para mangalaga sa peace and order ng ating mga pamayanan at bansa.

Ito ay hindi lang kaso ng unprofessionalism sa PNP. Klarong-klarong ipinakita ng PNP na wala itong pagpapahalaga o paggalang sa RULE OF LAW o maging sa isang duly-elected public official na gaya ko.

Pahintulutan ninyo akong baybayin ang mga pangyayari.

Isang taon at siyam na buwan na ang nakaraan nang una akong mag-request ng kapalit ni Senior Supt. Keith Singian, ang OIC-PD ng Pampanga ng mahigit dalawang taon na.

Ginawa ko ang request sa ngalan ng kapakanan ng mga Kapampangan.

Bilang duly-elected public official at alinsunod sa mga tungkulin na iniatang sa akin ng Diyos at batas, nais ko na pumili ng isang qualified at morally upright na provincial police director na magiging katuwang sa moral revolution at transformation sa Pampanga.

Kabilang na riyan ang pagsugpo sa illegal numbers game na jueteng. Ito ay hindi na lamang isang laro o libangan.

Tumatagos na ang impluwensya nito sa pulitika, sa simbahan, maging sa gobyerno. Ang plunder case ni dating Pangulong Joseph Estrada ay nagpatunay sa atin na tagos hanggang sa Malakanyang ang impluwensya ng mga jueteng lords.

Isang taon at siyam na buwan na ang nakaraan ay hindi pa rin napapalitan si Col. Singian. Kahit officer-in-charge o OIC lamang ang kanyang status, nananatili pa siya at nakapamayagpag pa sa puwesto nang mahigit dalawang taon.

Bakit ito nangyari sa kabila ng mahigit labingwalong (18) ulit ko ng requests? Lampas apat diyan ay personal pa akong nagkipag-usap sa mga kinauukulan.

May kopyang natanggap si Pangulong Arroyo at Interior Secretary Ronaldo Puno sa halos lahat ng requests.

Tatlong Chief PNP at dalawang regional police directors na ang dinaanan ng aking requests na palitan si Col. Singian. At wala pa ring nangyayari hangga ngayon.

Para makapanatili si Col. Singian sa poder, walang pakundangan at walang pangingiming nilabag ng PNP ang Republic Act No. 6975. Itinalaga ng batas na ito na ang governors at city mayors ang may karapatang pumili ng police directors sa kani-kanilang lalawigan at lungsod.

Nilabag din ng PNP ang National Police Commission Resolution No. 2002-078 kung saan ang mga placement, assignment, reassignment o promotion ng senior officers ay idadaan sa Senior Officers Placement and Promotion Board (SOPPB).

Subalit hindi ito ang ginawa ng PNP sa Pampanga. Bagkus, sa tatlong resolution ang inilabas ng Napolcom para mag-endorso ng provincial police director sa Pampanga, isa lamang ang aking natanggap.

Ang una at ikatlong resolution ay hindi officially na-transmit sa akin. Laman ng unang resolution ang pangalan ng aking pinili, si Senior Supt. Cesar Hawthorne Binag.

Ang unang resolution ay itinago ng regional police director. Ang ikatlong resolution ay ibinalik ng regional police director kay Gen. Verzosa.

Ang ikalawang resolution ay ipinarating sa akin. Yun ay para ipagpilitan sa akin na piliin si Col. Singian na akin namang tinanggihan.

Lagi na lamang may excuses ang PNP sa pag-atras nito ng una at ikatlong resolution. Sa una, ayaw ibigay ni General Razon si Col. Binag dahil kailangan daw siya sa PNP transformation program. Sa ikatlo, nagpalit daw ng isip ang Napolcom. Hindi na raw Kapampangan ang itatalaga sa Pampanga.

Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi maiiwasan na magtanong.

Sinu-sino ba ang mga taong nasa likod ni Col. Singian para umakto ang PNP nang hindi naayon sa batas?

Bakit ang kagustuhan nila at hindi ang karapatan ng gobernador ang nananaig gayong siya naman ang halal na lider ng lalawigan?

Bakit ganoon na lamang ang kanilang kapangyarihan at impluwensya na hindi kayang ipagpilitan ng PNP ang tama at makabubuti para sa mga mamamayan?

Ako man ay naghahanap ng kasagutan. May mga impormasyong ipinaabot sa akin na nakikialam si Congressman Mikey Arroyo. I ask Mikey to clear his name of this allegation.

Ang alam ko lamang sa ngayon ay may nakinabang sa ginawang paglabag ng PNP, sa mabagal o hindi pag-aksyon sa aking requests.

Nakinabang ang jueteng. Rampant pa rin ito. Hindi nga masusugpo ang iligal na sugal na ito dahil mismong si Col. Singian ay nag-iilusyon na wala ng jueteng sa Pampanga. STL o small town lottery na lang ang laro ngayon sa amin. Ang pamamayagpag ng jueteng ay patuloy na nagdudulot ng perwisyo sa mga Kapampangan, higit lalo sa mga kabalen ko na mahihirap.

What the PNP has done in Pampanga is deplorable. In violating the laws, it harms and dishonors the PNP institution and its values of honesty and service. In repeatedly denying my right as a governor to select a provincial police director of my choice, the PNP has undermined the power of a duly-elected authority and most especially, disrespected the civilians from whom that authority emanated. All these mock the so-called PNP transformation program. If this can’t be done with full decisiveness and honesty in Pampanga, the home province of President Macapagal-Arroyo, how else can the PNP be expected to do this with real success?

I strongly urge Interior Secretary, who is also chair of the Napolcom, to immediately correct the situation by:

1) ordering the PNP to give due course to my long-running request for a qualified, morally upright police officer;

2) rejecting the plan of the PNP, specifically Central Luzon police director Gen. Dela Cruz, to put in place, upon the initiative of the Pampanga Mayors’ League, Senior Supt. Gil Lebin Jr. as next Pampanga police director; and

3) transmitting Napolcom Resolution No. 2009-018 to me within twenty-four (24) hours.

No comments: