Alinsunod sa pagtataguyod ng Good Governance kung saan ang pamahalaan ay dapat maging honest, transparent, accountable at naglilingkod sa interes ng nakararaming mamamayan, kami, ang buong kasapian ng PEOPLE’S CRUSADE FOR PAMPANGA (PCFP), kasama ang mamamayan ng lalawigan ay nagkakaisa at naninindigan sa mga sumusunod:
Na ang Ordinance 261 na pinatupad noong November 22, 2008 ay isinagawa pangunahin para mapangalagaan ang mga daan at tulay na naapektuhan sa pagdaan ng mga overloaded trucks.
Na bago ipatupad, ito ay dumaan sa mahabang proseso ng serye ng mga pulong ng mga iba’t ibang regional at provincial government offices para sa pagtitiyak ng maayos at akmang pagpapatupad nito.
Ang kagyat na pagsunod ng mahigit na 3,000 truckers sa Ordinansang ito ay nagresulta ng maayos na regulasyon sa hanay nila habang nabibigyan ng sapat na pangangalaga ang ating mga daan at tulay.
Sa pagpapatupad ng Ord.261, nagbunga ito ng masigla at mas amalawak na partisipasyon ng lahat at maging ang pagsali ng mga small scale quarry operators dahil naitatakda ng regulated volumes ang pantay na presyo sa lahat. At kung gayon ay nangangahulugan ng mas malaking kita sa ating lalawigan.
Ang Ordinance 261 ang nagtitiyak ng regulated na volume na karga ng bawat truck sa pamamagitan ng praktikal, simple at di magastos na pamamaraan tulad ng pagpuputol ng bakal lagpas sa itinakdang taas ng truck. Sa simpleng paraan na laman ng Implementing Rules and Regulations (IRR) mapapadali ang monitoring dahil mas madaling malaman kung ang truck ay overloaded o hindi.
Na ang ganitong magandang kalakaran ang magtitiyak na ang Quarrying bilang pangunahing source ng ating local na ekonomiya ay napapaunlad pa upang lubos na mapakinabangan ng buong mamamayan ng Pampanga;
Na ang pag-repeal ng batas o ordinansa ay isinasagawa dahil ang nasabing ordinansa ay nagdudulot ng masama at nakakaapekto sa mga mamamayan. Kung ganoon bakit ire-repeal ang Ord.261 kung ito ay nagbibigay ganansya sa Pampanga?
Ang hakbang ng Sangguniang Panlalawigan na I-repeal ang Ordinance 261 ay nakatuntong sa makitid na mga dahilan: Una, bumili ng weighing scale o weight bridge; pangalawa, dahil may tumutol o nag rally laban sa Ordinance 261 na nagging batayan nila sa pagpasa ng Ordinance 326 na nagpapawalang bias sa Ordinance 261.
Ang weighing scale o weight bridge na pilit na inilulusot ng SP ay nagkakahalaga ng P7.7 milyong piso kada isa ( 4 proposed) at 2 portable weighing scale ay nagkakahalaga ng 4.5 milyon ( 2 and proposed). Bale 39.8 milyong piso ang magagastos sa monitoring operations dahil libo libong trucks ang kailangan pumila bago lumarga. Sa tindi ng hagupit ng global crisis, mas amakakabuting magamit ang perang nakalaan ditto para sa pagseserbisyo sa mamamayan.
Ang mga nagsusulong sa pag-repeal ng Ordinance 261 ay iilan lamang na siyang pinakingggan ng SP. Kanino bang interes dapat pumanig ang SP? Sa interes ng iilan o sa interes ng nakararaming mamamayan.
Malinaw kung gayon na ang Ordinance 326 na magre-repeal sa Ordinance 261 ay walang batayan at dapat tutulan ng mamamayan.
Ang kasalukuyang hakbang ng Sangguniang Panlalawigan na I-repeal ang Ordinance 261 at tuwirang pagwawalang bahala sa mga mabuting iniluluwal ng Ordinansang ito. Lubhang di makatwiran at illogical na I-repeal ang isang ordinansa na epektibong naipatutupad at nagsisilbi sa interes ng mayoryang mamamayan.
TULUYANG IPATUPAD ANG ANTI-OVERLOADING ORDINANCE 261! IPAGPATULOY ANG ORDIANANSANG MAKAMAMAMAYAN! TUTULAN ANG PAGPAPAWALANG-BISA O PAG-REPEAL NG ORDINANCE 261!
Thursday, February 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment