Ang simoy ng Eleksyon sa 2010 ay ramdam na sa ating bansa sa ngayon pa lamang kahit malayo pa ito. Sa kadahilanang marami na ang nagnanais ng reporma sa ating bayan at marami rin ang gustong magsilbi at magbigay ng bagong pag-asa. Karamihan sa mga kababayan natin ay hindi nadama and kasagaan kundi marami ang lalong nalugmok sa kahirapan.
Ayon sa oposisyon, sino mang hindi maka administrasyon ay kanilang susuportahan sa pagkapangulo upang mapalitan ang lider na puro pahirap lamang ang hinain sa ating mga kababayan ngunit sa kabilang banda naman, nais nilang iupo ang kanilang pambato sa administrasyon para maipagpatuloy nito ang mga programang naumpisahan ng ating pangulo at lalong mapaasenso ang bayang ito.
Sino nga ba ang nagsasabi ng katotohanan? Maaring parehong nangangarap lamang ang magkabilang panig. Dahil kahit gaano kabaho ang nais nilang mahalal ay pilit pa rin nila itong papabanguhin. Ito ang mga tinatawag nating Tradisyunal na Politiko, sila ay galing sa mga pamilyang nakakaangat sa buhay, pamilyang politiko, panakip butas para matakpan ang kaso ng nauna sa kanya, mga programang puro pangako at estilo ng pangangampanya ay dinadaan sa pakapalan ng bulsa.
Kilalanin natin ang ating mga naghahangad maging lider ng ating bansa. Sino ba sila? Ano na ang mga kanilang napagtagumpayan? Siya ba ay marangal at malinis? Nais ba nitong manalo dahil sa kanyang kagustuhang manilbihan sa bayan o nais nya lamang magkaposisyon at lalong magpaka yaman? Sino ang nagtutulak sa kanila para humabol? Maayos ba ang kanyang relasyon sa pamilya? Siya ba ay may takot sa Diyos?
Ayon sa nakaraang survey, 2 pangalan ang nangingibabaw sa lahat ng naghahangad na maging pangulo ng Pilipinas. Ito ay sina Bise Presidente Noli De Castro at Senador Manny Villar na pareho nating alam na nagsilbi naman sa bayan at walang bahid ng korapsyon sa panunungkulan. Meron pang bagong naglahad ng kanilang plano tulad ni Bro. Eddie Villanueva na tunay namang makadiyos at kahit hindi politiko ay nagsisilbi na sa ating mga kababayan at eto pa si Among Ed na paring naging Gobernador sa Pampanga at itinutulak na humabol sa pagka presidente sa 2010.
Tunay na sa ngayon pa lamang ay napakainit na ng mga usapin sa mga kanto kanto tungkol sa parating na eleksyon sa ating bansa. Ito ay isang magandang pangitain na maraming Pilipino sa ngayon ang interesado na sa kapakanan ng ating bayan at hindi tulad ng dati na bahala na lamang.
Ayon sa kay Dr. Jose Rizal "ang kabataan ang pag-asa ng bayan" at ayon naman kay Chiz Escudero "ang kabataan ay kailangan na ng bayan". Bakit napakahalaga ng kabataang Pilipino pagdating sa eleksyon sa ating bansa? Dahil sila ang higit na nakakarami sa bilang ng mga botante at sila rin ang karamihan sa mabusisi at nag-iisip kung sino ang karapat dapat na ihalal. Iniisip nila ang magiging kapakanan nila sa kinabukasan at ang kanilang magiging mga pamilya.
Ang mga Kabataang Pilipino ang mga tunay na bayani sa 2010 dahil mula sa kanila ay mapipili ang tunay na mamumuno sa ating pakamamahal na bayan. Kaya kailangan po natin silang gabayan na magparehistro sa pinaka malapit na opisina ng COMELEC upang maipahayag nila ang kanilang karapatan bilang Pilipino at pagnanais ng magandang kinabukasan.
Thursday, April 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ONE BILLION PESO-BUDGET FOR KA SATUR
It will surpass the campaign kitty of even the wealthiest of the aspiring presidentiables as MAKABAYAN’s allotted budget for the upcoming 2010 election was discovered to be pegged at one billion pesos. For a seemingly patriotic coalition that has just recently surfaced in the country’s political arena and that has ironically bannered an anti-TRAPO stance, the revealed budget of MAKABAYAN would shock even their closest allies as they would all wonder why they were still asked for financial support when MAKABAYAN is in fact capable of sustaining their own electoral campaign.
Said whopping electoral budget was first revealed in a cover story of (name of media practitioner tapped) that was published on (name of broadsheet). According to said report, MAKABAYAN is ready to shell out a total of one billion pesos to specifically finance the expansion of party list groups such Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, Anakpawis, Kabataang Pinoy, Act Party List and Courage Party List among the various barangays in the country and to fund the respective senatorial bids of Satur Ocampo, Liza Masa, Rafael Mariano and Teddy CasiƱo. Apparently said budget is already in the bag even before last year as these were culled from the respective PDAFs of said progressive solons – majority of whom served for three consecutive terms thus explaining the accumulated hefty resources – and as their comrades in the countryside punched in some overtime work to increase their take home “pay” from the various companies and civilians they extorted from.
The document further revealed that MAKABAYAN is allotting a humongous 600 million pesos to easily “guarantee” that its allied party list groups will be given its expected number of votes during the actual canvassing. Would this then mean that they plan to use such funds to pay their way in Congress since they have ironically proclaimed that their poll watchers are all allegedly mere volunteers who would “ensure” that we will have a clean and honest election? We all know that this is not an entirely impossible feat to do considering that we all recognize that cheating or otherwise known in the Tagalog jargon as “dagdag-bawas” is almost always implemented during the counting of ballots. Never mind that the upcoming elections would be automated since the 600 million peso-budget can surely finance such a grand plan and provide to their party list groups the actual number of seats they have initially targeted and even assure that their four progressive senatoriables will all be successfully positioned to their hearts desire.
We should now then empathize with the lowly rebels who are sweating it out in the countryside as they regularly force their way into homes of the already deprived peasants so that they can partake of the already meager resources of these people just so they can eat meals and be able to sustain the armed struggle that their leader in absentia, Jose Maria Sison, has adamantly instructed them to carry out for four long decades. Surely, a billion pesos is more than enough for these rebels to enjoy even once what Sison is now enjoying in The Netherlands – a decent meal and a decent bed.
Visit our blog.
http://npavictims.blogspot.com
The Unheard NPA Victims
Well, I agree with you there, We really need to vote wisely and I'm just hope for a clean and safe election this 2010.
-pia-
Post a Comment