Saturday, October 25, 2008

PCFP STATEMENT

MAMAMAYAN MAGKAISA!
IPAGTANGGOL ANG ATING DEMOKRATIKONG TAGUMPAY
SA PAGSUSULONG NG GOOD GOVERNANCE!


Kailanman ay hindi pahihintulutan ng kasalukuyang umiiral na trdisyunal at elistang pulitika ang pag-iral ng pulitikang nagdadala ng Good Governance sapagkat bumabangga ito sa interes ng iilang nasa poder ng kapangyarihan.

Minsan na nating pinakita ang ating pagkakaisa nang iguhit natin ang ating kapasyahan nang iluklok natin si Among Ed upang pangunahan ang pagsusulong ng isang tapat at tunay na paggogobyernong nagsisilbi sa mamamayan. Ito ay isang paninindigang nais nating maipatupad para sa kapakanan ng mas nakararami.

Ngunit ang tunay at tapat na paggogobyerno na ninanais ng mamamayan ay walang puwang at hindi bibigyan ng puwang ng iilang makapangyarihan sa ating lipunan na nahirati at nakikinabang sa tradisyunal at elistang pulitikang pinanggagalingan ng matinding korapsyon at pagsasamantala.

Ang nagaganap na RECALL at ang sistematikong panggigipit ng Sangguniang Panlalawigan sa budget ng Gobernador ay bahagi ng buong paketeng pagwasak hanggang sa tuluyang pagpapabagsak sa representatibo nating si Among Ed at sa banding huli ay pagwasak sa mga tagumpay ng mamamayan.

WAG TAYONG MAGPALINLANG!!! Sa likod ng kaganapang ito ay may mga pwersang nagmamaniobra para tiyakin mapapangalagaan nila ang kanilang mga interes na nasagasaan nang sugpuin ni Among Ed ang korapsyon. Wag din nating kalimutan na sa likod ng kaganapan nito ay may tuwiran o di-tuwirang kinalaman at basbas ang Malakanyang. Hindi kailanman patatawarin ni GMA ang pag expose ni AmongEd sa P500,000 na payola na binigay sa kanya sa gitna ng ZTE scandal. Lalo lamang nagpapakita ito na hindi kailanman mapanghahawakan ni GMA si Among Ed lalo na sa panahong kailangan ni GMA ang Pampanga bilang balwarteng matatawag nyang kanya.

Napakataba ng lupa ng Pampanga para sa pagkukutsabahan sapagkat maging ang mga lokal na tradisyunal na pulitiko sa probinsya ay kaisa sa intensyon na pabagsakin si Among Ed para lamang pare-parehong matiyak ang kanilang interes.

Ang buong iskemang ito ay hindi lamang nakatuon kay Among Ed ngunit higit sa lahat ay tuwiran nitong sinasagkaan ang mga demokratikong tagumpay ng mamamayan. HINDI NATIN PAPAYAGAN ITO !

ANG KAPANGYARIHAN AY NANANAHAN SA MAMAMAYAN AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAMAHALAAN AY NAGMUMULA SA MAMAMAYAN !

IPAGPATULOY NATING IPAGTANGGOL ANG ATING MGA DEMOKRATIKONG TAGUMPAY !

ISULONG NG WALANG PAG-AATUBILI ANG GOOD GOVERNANCE!

TUTULAN ANG RECALL! TUTULAN ANG KORAPSYON!

PEOPLE’S CRUSADE FOR PAMPANGA

No comments: